Friday, September 21, 2012

On Crying (or Not Being Able to)

written in Filipino, translated to English


Gusto Kong Umiyak

Gusto kong umiyak para ilabas ang kalungkutan ngunit hindi ko magawa. Tila ba sawa na ako sa kaiiyak ngunit ang kalungkutan ay magpakailanman hindi nagsawa sa akin.

Naisip ko na kapag ang luha ay tumulo; pagkatapos titila rin ang pag-iyak. At pagkatapos umiyak ay wari bang bago nanaman ang umaga na may dalang kasiyahang inaasam. Ngayong hindi na ako makaiyak, laging sariwa ang kalungkutan sa aking kalooban... at hindi ko na makita ang umaga sapagkat ang aking mga mata'y nalulom na sa kapighatiang hindi na makawala sa aking katauhan.

Gusto kong umiyak ngunit hindi na tumutulo ang mga luha.

~

I yearn to cry

I yearn to cry to expel myself of this sadness, yet I am unable to. It seems as if I have grown weary of crying, and yet sadness never tires of me.

I tell myself that if I could just let the tears fall; the weeping will soon cease. And after lamenting, it will seem as if a new day beckons heralding my hoped for happiness. Since I cannot, sorrow continuously courses through my being, and the awaited morning turns bleak. I am shrouded by grief of which there is no escape.

I yearn to cry but there are no more tears to shed.

No comments:

Post a Comment